Ibinahagi ng Canadian singer na si Justin Bieber na "better" na ang kaniyang nararamdaman matapos ianunsyong naparalisa ang kalahati ng kaniyang mukha dahil sa Ramsay Hunt Syndrome.
"Wanted to share a little bit of how I’ve been feelin," pagsisimula ni Justin sa kaniyang IG story, na iniulat din ng etcanada.com.
“Each day has gotten better and through all of the discomfort I have found comfort in the one who designed me and knows me,” sabi ni Justin.
Inilahad ni Justin na kumakapit siya ngayon sa kaniyang pananampalataya sa Panginoon sa gitna ng nararanasan niyang pagsubok.
“I’m reminded he knows all of me. He knows the darkest parts of me that I want no one to know about and he constantly welcomes me into his loving arms. This perspective has given me peace during this horrific storm that I’m facing.”
“I know this storm will pass but in the meantime Jesus is with me,” dagdag pa ni Justin.
Sa isa namang caption, sinabi ni Justin na lilipas din ang mga pagsubok, at kahit kailan ay hindi siya nag-iisa.
“By this point in my life I realize storms come and go. Jesus continues to remind me that he is with me in the midst of the storm. It’s not about the storm. It’s that we are NEVER ALONE AND HE UNDERSTANDS.”
Ang Ramsay Hunt Syndrome ay epekto ng virus na tumitira sa facial nerves ng isang tao.
"As you can see, this eye is not blinking, I can't smile on this side of my face, this nostril will not move," sabi ni Justin sa isang pahayag.
"So, there’s full paralysis on this side of my face. So for those who are frustrated by my cancellations of the next shows, I'm just physically, obviously, not capable of doing them. This is pretty serious, as you can see," dagdag pa niya.
Matapos ianunsyo ang tungkol sa kaniyang infection, humingi ng paumanhin si Justin sa kaniyang mga tagasuporta dahil makakansela ang kaniyang mga show, at maaaring kasama rito ang mga show niya sa Pilipinas. —LBG, GMA News