Nagdulot ng takot sa ilang nakatira sa condominuim building ang inakalang nilang "multo" na ilang araw nang nakikita sa bintana ng isang unit na nasa kabilang gusali.
Dahil dito, tumawag ang mga nababahalang residente sa building administrators upang ipagbigay ang "imahe" na kanilang nakikita, ayon sa ulat ng GTV "State of the Nation Address" nitong Martes ng gabi.
Ang building admin, kinausap naman ang nakatira sa unit na may nakikita "imahe" na tila nakadungaw para bigyan din siya ng babala at alamin ang kaniyang kalagayan.
"Meron silang nakikitang lalaki na nakatayo sa window ko at nakadungaw at mga four days na daw nakikitang ganyan," kuwento ng babae.
"Paano ko sasabihin sa kanila na Kim Sok Jin standee ko lang siya?" natatawa at nahihiyang sabi ng babae. — FRJ, GMA News