Tuluyan nang gumaling si Kuya Kim Atienza mula sa COVID-19, matapos mag-isolate dahil sa sakit.
"l am now 100 percent healed of COVID," caption ng "24 Oras" anchor sa kaniyang video sa Instagram, kung saan kumakanta siya ng “I Won’t Let Go" ni Rascal Flatt.
"Thank you dear God for being there for me ALL the time," dagdag pa ni Kuya Kim.
Sa kaniyang paggaling, inalala ni Kuya Kim ang sinasabi ng Biblia sa Psalms 91:2-3: “I will say of the LORD, ‘He is my refuge and my fortress, my God, in whom I trust.’ Surely he will save you from the fowler’s snare and from the deadly pestilence.”
Inilahad ng "Kuya ng Bayan" noong nakaraang linggo na sumailalim siya sa isolation matapos magpositibo sa COVID-19.
Humingi siya ng paumanhin sa garalgal niyang boses at panandaliang pagkawala sa "24 Oras" segment niya na #KuyaKimAnoNa.
Dahil dito, hindi rin nakadalo si Kuya Kim sa high school graduation ng kaniyang anak na si Eliana. —VBL, GMA News