Isang malaking papel ang gagampanan ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa drama anthology show ng GMA na "Magpakailanman" dahil siya ang gaganap bilang si Rose Vega na itinampok noon sa "90 Day Fiance.”

Ang "90 Day Fiance” ay tungkol sa buhay ng mga US citizens at kanilang dayuhang partner.

Makakatambal ni Herlene sa "Magpakailanman" ang American actor na si Lee O’Brian, para sa episode na, “Fiancee or Financier: The Rose Vega Story.”

Sa teaser ng episode, ipinakilala ni Herlene bilang si Rose, sa kaniyang pamilya ang American fiancé na umuwi ng bansa.

Pero masusubok ang tunay na intensyon ng American fiancé kay Rose dahil sa reality show.

Mapapanood ang “Magpakailanman: The Rose Vega Story” sa Abril 9, sa ganap na 8 p.m., pagkatapos ng “Agimat ng Agila.” – FRJ, GMA News