Marami ang nagsasabi na kahawig ni Faith de Silva si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Ano kaya ang reaksiyon dito ng Kapuso actress at sundan kaya niya ang yapak ng beauty queen?

Sa panayam ng GMA Regional TV Early Edition, labis na nagpapasalamat si Faith sa mga nakakapansin ng pagkakahawig nila ni Pia.

"Kasi nakita ko yung journey ni Pia and she's someone na beautiful and I could feel na mabait siyang tao," anang aktres.

"Para masabihan ka na kamukha mo siya I feel very grateful...she's a queen!," dagdag ni Faith.

Dahil pang beauty queen ang ganda, tinanong si Faith kung may plano rin ba siyang sumabak sa mga beauty pageant.

"Mayroon akong plano but hindi ko pa alam kung kailan. Abangan na lang natin," saad niya.

"Right now ang focus ko is yung pag-aaral ko at yung pag-acting ko. And also yung bagong song ko na 'Sana Sabihin Mo na Lang," patuloy ni Faith.

Ayon kay Faith, marami ang makakarelate sa kanitang kanta na tungkol sa relasyon na hindi na masaya pero hindi makapag-let go.

--FRJ, GMA News