Inanunsyo ni Arny Ross na buntis siya sa unang anak nila ng non-showbiz husband niyang si Franklin Banogon.
Sa programang "Mars Pa More," tinanong si Arny kung sino ang unang kaibigan sa showbiz na nakaalam na buntis siya.
Tugon ni Arny, una niya itong ipinaalam sa best friend niyang singer-composer na si Myrus Apacible, na nagsisilbing kumpirmasyon ng kaniyang pagdadalang-tao.
Nalaman din ito ng kaniyang co-stars sa "Bubble Gang" na sina Valeen Montenegro, Denise Barbacena at Betong.
Hiniling ni Arny na huwag muna itong ipaalam sa iba, ngunit hindi raw naitago ni Betong ang good news kina Paolo Contis at Boy 2 Quizon.
"'Ano, ano? Buntis 'no?'" tanong nina Paolo at Boy 2.
"'Oo kuya,'" masayang sagot ni Arny sa kanila.
Inanunsyo rin nina Arny at Franklin sa social media na magkakaanak na sila.
"Isa sa pinaka masayang nangyre sa buhay namin, sa journey namin. Sobrang hindi mapaliwanag yung saya! Grabe!," sabi ni Franklin.
"After 14 years of being together, from College Crushy, na naging girlfriend ko, naging Fiancé at napangasawa ko. Tinitignan lang kita sa malayo dati, iniistalk lang kita dati! Ngyon, mgging mommy ka ng magiging baby ko!" dagdag pa ni Franklin.
"At dahil nandyan kyo, sinamahan niyo kme since then, sobrang excited kame to share this with all of you! Lord thank you! Your timing has always been so perfect! And we promise, that we will do everything to take care and raise this little one! I’m gonna be a Dad!!!" pag-anunsyo ni Franklin.
Ibinahagi rin ito nina Arny ay Franklin sa kanilang YouTube channel.
--FRJ, GMA News