Nasawi sa Russian bombardment sa bayan ng Irpin ang Ukrainian actor na si Pasha Lee, ayon sa ulat ng BBC.

Ayon sa ulat, residente sa Irpin ang 33-anyos na aktor at sumama sa Ukraine's territorial defence force nang sumalakay ang Russia.

Ilang araw na umanong binobomba ng Russia ang Irpin. Lumikas ang mga sibilyan, pati na ang mga nakatira sa lungsod ng Sumy, patungo sa Poltava, ayon sa BBC.

Sinabi pa ulat na lumabas sa ilang pelikula si Lee at naging boses sa Ukranian version ng The Lion King at The Hobbit.

Naging bahagi rin si Lee TV talent shows tulad ng Star Factory at X-Factor, at iba pa.

Ilang araw bago nasawi, nag-post si Lee sa Instagram ng link ng Ukranian refugee charity para hikayatin ang kaniya followers na tumulong o mag-volunteer.

 

 

Isang larawan din ang ipinost ni Lee sa IG post ni Lee na nagsasaad ng mensahe ng pag-asa: "We'll be ok and everything will be Ukraine." — FRJ, GMA News