Nagpositibo sa COVID-19 ang BTS member na si V.
Sa "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing inilahad ng Big Hit Entertainment na nagpunta si V sa ospital nang makaranas siya ng mild sore throat.
Agad sumailalim sa RT-PCR test si V at doon natukoy na positibo siya sa virus.
Sumasailalim na sa home quarantine at nagpapagaling na si V.
Fully-vaccinated na siya sa COVID at mild fever at sore throat lamang ang kaniyang sintomas.
Negatibo rin ang resulta ng iba pang miyembro ng South Korean boy band at walang may sintomas sa kanila. —Jamil Santos/LBG, GMA News