Napasabak si Sef Cadayona sa kaniyang pagganap bilang isang house daddy sa upcoming episode ng Regal Studio Presents na "Me and My House Daddy."
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing unang beses ito na gumanap ni Sef bilang isang house daddy.
Excited aniya si Sef na panoorin ang episode.
Kasama ni Sef sina Patricia Coma at Kat Galang.
Kahit na seryoso ang tema, light ang mga eksena at siguradong maaaliw ang mga manonood.
"Comedy man 'yung atake namin pero 'yung problema, 'yung conflict within du'n sa episode itself ay malalim siya," sabi ni Sef. — Jamil Santos/VBL, GMA News