Inihayag ni Rufa Mae Quinto na maging siya ay naapektuhan ng pandemic nang maabutan sila ng lockdown ng kaniyang pamilya sa Amerika. Ngunit ang isa sa mga paraan para patuloy siyang kumita ng pera-- ang vlogging.
"Parang naging horror film ang buhay. Parang nakaka-nerbiyos, takot ka, malungkot ka. Kasi siyempre wala kang taping, wala ka na lang gagawin kundi sa bahay, wala kang mapupuntahan," sabi ni Rufa sa programang "iJuander."
Dahil dito, itinuloy-tuloy ni Rufa ang vlogging, na inumpisahan niya noon pang 2018.
Mayroon na siya ngayong mahigit 400,000 subsrcibers, at monitized ang kaniyang YouTube channel.
"Ako nagshu-shoot, script directing and all. Pero may editor sa Philippines... Marami sa ating magagaling talaga eh," kuwento ni Rufa.
Bukod dito, meron siyang isa pang YouTube channel na Wander Mamas, kung saan kasama niya si LJ Moreno na nag-migrate na rin sa Amerika.
Mapapanood sa kanilang vlog ang bonding nilang mommies, o pagtampok sa mga kaibigan na dati ring nasa showbiz.--FRJ, GMA News