Bago ikasal sa susunod na buwan, may mensahe si Kris Bernal ang mga netizen na nanlalait sa kaniyang katawan.

"Before I put another ring on it, let me talk about the things that I value - societal beauty standards," panimula ni Kris sa caption ng lawaran niyang ipinost sa Instagram.

"Do you hate your body or do you hate the social meaning given to your body that has resulted in people treating you in a harmful way?, tanong niya.

Patuloy  pa ni Kris na makikita ang kaniyang fit figure sa larawan, "No, I'm not ugly. I'm just not the beauty standard! Body shaming - fat and skinny shaming - social media has brought it to an all-time high!"

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

 

Sa kaniyang "little corner of the internet," sinabi ng aktres na hindi siya nagpapadikta sa mga nagsasabi kung ano ang dapat o hindi  ng iba.

"Erase temporary societal beauty standards that play on social security, bad conscience, low self-esteem, or contribute to body pressure," ani Kris.

"What some of will call 'Imperfections' e.g. cellulites, dark armpits, wrinkles, acne, eye bags, sagging boobs, stretch marks, little fat rolls, bloated tummies, bones and veins popping - I call 'REALITY,'" patuloy ng aktres.

Ayon kay Kris, ang tinatawag na "imperfections" ay maraming masasabi "about our lives, experiences, they have a lot to say about all of us, incredible, powerful women who must learn to appreciate every little thing that makes us, 'SHE.'"

Ilang ulit nang nabiktima si Kris ng body shamers sa social media at marami ring netizens ang nagtatanggol sa kaniya.

Ikakasal si Kris sa September 25 sa negosyanteng nobyo na si Perry Choi. — FRJ, GMA News