Maglalaban-laban sina Glaiza De Castro, Jasmine Curtis-Smith at Lovi Poe matapos silang maging nominado bilang Best Actress para sa ika-44 Gawad Urian.
Sa ulat ng GMA News "Saksi," sinabing nominado si Glaiza para sa "Midnight in a Perfect World."
Nominado naman para sa "Alter Me" si Jasmine, samantalang nominado si Lovi para sa "Malaya."
Kasali sa Best Actor ang si Elijah Canlas sa He Who Is Without Sin.
Sa Oktubre 6 ang tentative schedule ng awarding ceremony ng naturang parangal, na mapapanood online. —Jamil Santos/LBG, GMA News