Matapos magwagi ng gintong medalya sa women's 55-kg weightlifting event sa 2020 Tokyo Olympics, binigyan si Hidilyn Diaz ng residential condominium unit na nagkakahalaga ng P14 milyon sa Eastwood City. Silipin sa "Tunay Na Buhay" ang bago at fully-furnished niyang tirahan.

Makikita sa bago niyang tahanan ang ilang alaala sa ginawa niyang kasaysayan bilang unang atleta ng Pilipinas na nagbigay ng gintong medalya ng bansa sa Olympics.

Ipinasulyap din ni Hidilyn ang kaniyang kusina, na mahalaga para sa paghahanda ng diet ng mga katulad niyang atleta.

Sa ngayon, ini-enjoy daw muna niya ang mga bunga ng kaniyang pagsisikap. Panoorin ang video.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News