Kung si LJ Reyes ang tatanungin, mas pipiliin niyang mag-migrate sa ibang bansa kung aayain siya ni Paolo Contis, kaysa gumanap sa isang major role.

Sa "Mars Pa More," tinanong ang co-host na sina LJ at guest na si Jelai Andres kung ano ang pipiliin nila: isang major role sa isang proyekto o ang pag-migrate kasama ang boyfriend o asawa.

"For me, kasi siguro dahil din sa pandemic parang gusto kong mag-try ng something new. Kunwari sabihin ni Pao (Paolo Contis) 'Oh halika na, let's pack our bags and migrate. Parang gusto kong i-try," ani LJ.

Ayon kay LJ, handa siyang bitawan ang major role sakaling ayain siyang mag-migrate ng kaniyang partner.

Samantala, inilahad din ni LJ ang kaniyang ugali na tingin niyang makasisira ng relasyon niya sa ibang tao.

"Wala pa naman. Pero feeling ko kung meron mang masisirang relationship ako, because of siguro ugali ko or whatever, siguro stubborness ko minsan. Kasi mapilit talaga ako," anang aktres.

Nitong nakaraang buwan, nagpost si Paolo ng photos ng kaniyang pamilya, at nagbigay ng sweet message kay LJ, na inaalagaan sina Summer at Aki habang nasa quarantine ang aktor.

“I know that it’s harder now that I’m not around but I know the kids will be okay because you’re there! I want you to know how much I appreciate and love you,” ani Paolo.

--FRJ, GMA News