Ibinahagi ni Nadine Samonte na nagkapasa ang kaniyang tiyan at nanganib pa ang ipinagbubuntis niyang anak dahil sa kaniyang Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) at Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS).

"Everyday is a struggle but its more of a blessing. Feeling my tummy grow everyday is what im thankful for. Thank you Lord for our 3rd baby," caption ni Nadine sa kaniyang Instagram, sa kabila ng kaniyang mga pinagdadaanan.

Ito na ang ikatlong anak ni Nadine at ng asawa niyang si Richard Chua.

"Yes i still have PCOS and mostly APAS . This journey is particularly different from my 2 kids. We almost lost our baby during my first trimester but with Gods grace and Guidance hindi nya kami pinabayaan. God is Good," paglalahad ni Nadine.

 

 

Nagbigay naman si Nadine ng mensahe sa mga kapwa niya mommy na nakararanas din ng APAS at PCOS.

"And more to come. Not complaining but hey i can say im one strong momma here fighting for my babies. Ang dami kong iniyak sa journey na to hehe pero i wont give up EVER! Ill fight and stay strong for them!!! Go APAS and PCOS mommas out there. Kaya natin ’to. Hello to our rainbow baby soon … Our last,” saad niya.

Ikinasal sina Nadine at Richard noong 2013, at may dalawa na silang anak na sina Heather at Titus.

Ayon sa mayoclinic.com, ang Polycystic Ovarian Syndrome o PCOS ay isang hormonal syndrome na maaaring magdulot ng komplikasyon sa pagbubuntis na maaaring makunan o malaglag, o maagang panganganak.--FRJ, GMA News