Isang challenging role ang gagampanan ni Elijah Alejo para sa “Wish Ko Lang,” na gaganap siyang high school student na pagsasamantalahan ng kamag-anak.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing dama ni Elijah ang bigat na pinagdaanan ng biktima.
“Iba po yung bigat. Parang kung ako yung makakaranas nun, feeling ko hindi ko po siya kakayanin. Feeling ko mababaliw ako," anang aktres.
"Kasi po yung dalawang tao na dapat magprotekta sa kaniya sila pa mismo yung gumawa ng masama sa kaniya," dagdag ni Elijah.
Si Gelli de Belen na gaganap na ina ni Elijah, halos hindi raw makapaniwala na totoong nangyari ang istorya.
“It’s actually two rapes and one attempted rape. [They’re] all close to her, family members, so when you think about it, parang...totoo di ba yung sabi nila na, ‘truth is stranger than fiction,’” pahayag ni Gelli.
Mapapanood ang naturang episode sa GMA sa darating na Sabado.
Naghahanda na rin si Elijah para sa taping ng Book 2 ng “Prima Donnas” bilang ang kontrabidang si Brianna. – FRJ, GMA News