Kabilang ang Kapuso couple na sina Drew Arellano at Iya Villania sa mga nakatanggap ng first shot ng COVID-19 vaccine para sa mga nasa ilalim ng A4 category.
Ginanap nitong Lunes sa Mall of Asia complex sa Pasay City ang ceremonial A4 vaccination event na kinabibilangan ng 50 kinatawan na nasa A4 category, na kinabibilangan ng economic frontliners.
Ang A4 category ay mga manggagawa na kinakailangang magtungo sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Media personalities Drew and Iya Arellano were among the 50 A4 representatives vaccinated along with workers from the BPO industry, food delivery, government, transport driver, security guard and sales clerk. @gmanews (Screen grab via PTV4) pic.twitter.com/dutil6KWk5
— sandra aguinaldo (@sandraguinaldo) June 7, 2021
Mayroon din naturukan mula sa A4 sub-categories tulad ng mga kawani sa BPO industry, food delivery, at government workers, ayon sa ulat ni GMA News' Sandra Aguinaldo.
Kasama rin sa naturukan sina "Unang Hirit" host Suzi Entrata at mister niyang broadcaster and TV host na si Paolo Abrera.
Una rito, inihayag ng pamahalaan na uunahin sa COVID-19 vaccination sa "A4" categorya ang nasa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Metro Cebu, at Metro Davao.— FRJ, GMA News