Inihayag ni Ruby Rodriguez na lumipat at nagtrabaho siya sa Amerika para suportahan ang pagpapagamot ng anak niyang si AJ, na may rare autoimmune disease.
"My private life hindi ko naman ina-announce, but this has been planned years ago," sabi ni Ruby sa panayam sa kaniya ni Lhar Santiago sa Chika Minute Exclusives.
"Kasi nga alam naman ng lahat na my son, AJ, not only has, he's SPED, but he has medical problems also. Meron siyang rare autoimmune [disease]. 'Yung rare autoimmune [disease] niya, kidneys niya 'yung nadali," pagpapatuloy ni Ruby.
Ayon sa comedianne-host, iniiwasan niyang sumailalim pa sa transplant ang kaniyang anak.
"So diyan sa Philippines, na biopsy na siya, lahat. So he's being treated para hindi siya mag-transplant. 'Yun 'yung ina-avoid, so dinala ko siya dito for medical purposes. All his medications are being done here. Kailangan kami dito para ma-treat 'yung anak ko."
Ito aniya ang dahilan kung bakit kailangan muna raw niya ng "break" sa showbiz.
"We've planned it, and I said to myself 'Hindi naman puwedeng asa ka na lang sa kung anu-ano, you have to work kasi you have to be productive. Paano naman kaming family 'di ba?" saad ni Ruby.
Nitong nakaraang buwan, nag-post si Ruby sa kaniyang Instagram ng larawan ng kaniyang unang araw sa kaniyang trabaho sa Los Angeles, California.
Hindi naman nagbigay ng ibang detalye si Ruby tungkol sa kaniyang trabaho.
"So I applied, I went to the proper channels. Hindi po ako appointed, I went to the proper channels. I gave my CV, I gave all the requirements, all their tests, lahat para matanggap ako dito. And this was supposed to be last year pa," kuwento ni Ruby. —Kamil Santos/LBG, GMA News