Nami-miss na raw ng aktres na si Alessandra de Rossi ang totoong mundo at nararamdaman niya ang pagiging "toxic" sa social media.
Isang tweet niya kamakailan, naglabas muli ng saloobin ang aktres sa kaniyang nararamdaman.
"Nakakamiss ang outside [world] kung saan natatakot magsabi ng nega sa personal ang isang taong di ka kilala at baka makuyog ng barangay," ani Alessandra. "Makalayas na nga."
Ang toxic ng social media. Nakakamiss ang outside word kung saan natatakot magsabi ng nega sa personal ang isang taong di ka kilala at baka makuyog ng barangay ???????????????? makalayas na nga.
— alessandra de rossi (@msderossi) May 28, 2021
Mema/nega: wag ka nang babalik! Di ka namin kailangan.
Me: ikaw owner ng internet? Char!
Pinangunahan na rin ni Alessandra ang mga posibleng basher sa kaniyang post.
"Mema/nega: wag ka nang babalik! Di ka namin kailangan. Me: Ikaw owner ng internet? Char!"
Aktibo pa naman ang aktres sa Twitter hanggang nitong Lunes ng hapon at sinasagot ang kaniyang mga follower.
Sa isang panayam ng "Quarantined With Howie Severino" noong nakaraang taon, inihayag ni Alessandra ang pagiging vocal sa social media.
Ipinaliwanag din niya na naging aktibo siya sa social media dahil sa lockdown.
Nang tanungin ang aktres kung na-i-stress siya sa social media, tugon niya: "Magpapaka-honest na 'ko, wala akong pakialam kahit kanino. It just so happened right now that I am stuck at home, at wala kang kausap so may time kang pumatol."
—FRJ, GMA News