Kinagiliwan sa Tiktok ang split screen dance covers ni Aira Bermudez na bukod sa dance moves ay gayang-gaya niya rin ang outfit ng mga idolo niyang sina Britney Spears, Beyoncé at Jennifer Lopez.

Ayon sa dating Sexbomb dancer, galing lang din sa kaniyang closet ang kaniyang mga costume, at solid fan siya ni Britney kaya marami siyang mga kasuotan na katulad ng sa international singer.

Panoorin sa "Mars Pa More" ang gayang-gayang galawan ni Aira mula sa Hollywood artists at ano ang mga comment sa ginagawa niya. 

--FRJ, GMA News