Inihayag ng Megastar na si Sharon Cuneta na "at home" siya sa Los Angeles, California.
Sa Instagram, nag-post ang aktres ng larawan na makikita ang tanawin sa lugar na kaniyang kinaroroonan.
Sa caption ng larawan, sinabi ni Sharon na, “I love being ‘home’ here."
"Being here makes it seem like Covid is a lot farther away than it ever was. I love the weather now (it’s cold), and aside from seeing people wearing masks and not being able to watch movies at cinemas, eating at restaurants tables apart, it almost feels like life is normal again," ayon sa Megastar.
Binanggit din ni Sharon kung gaano niya kagusto ang West Coast na napupuntahan na niya kahit noong bata pa lang siya.
"I could live here forever," ayon kay Sharon.
"Kiko [mister niyang si Sen. Pangilinan] would NEVER leave the Philippines no matter what though. I could. In a heartbeat," patuloy niya.
Noong nakaraang linggo nang umalis ng Pilipinas si Sharo para umano “ To breathe, collect myself and gain strength.”
Nag-post siya ng larawan nang maturukan na siya ng Moderna COVID-19 vaccine sa Amerika.--FRJ, GMA News