Nagkaroon ng pagkakataon na mag-bonding sina Kuya Willie Revillame at John Lloyd Cruz sa kaniyang resort sa Puerto Galera kamakailan. Ayon sa TV host, inilahad sa kaniya ng aktor ang rason nito kung bakit pansamantalang nawala sa showbiz.

"Gusto ko lang batiin ang kaibigan nating si John Lloyd [Cruz]. Kagabi kasama ko siya, nasa Puerto Galera kami, nagkuwentuhan kami sa buhay. Tinanong ko siya, 'Bakit ka ba huminto?'" sabi ni Kuya Wil sa episode ng "Wowowin-Tutok To Win" nitong Miyerkules.

"Alam mo, maganda 'yung mga rason niya eh. 'Paminsan nabu-burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. Paggising ko shooting, pagtulog ko, paggising ko shooting,'" pagpapatuloy ni Kuya Wil.

Ayon kay Willie, binigyan muna ni John Lloyd ang kaniyang sarili ng oras.

"'Yun bang binigyan niya ng halaga 'yung sarili niya," anang Wowowin host.

Sa Instagram, ibinahagi ng direktor na si Bobot Mortiz ang group photo nila nina John Lloyd at Kuya Wil.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by direkbobot (@direkbobot)

 

"“Kasama ko mga Lodi!!” caption ni Direk Bobot, na kasama na rin ni Kuya Wil sa programa.

Bukod dito, makikita rin sa Instagram ni Direk Bobot ang pananatili niya sa Wil's Cove, kung saan naroon din si John Lloyd na pasakay ng isang bangka.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by direkbobot (@direkbobot)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by direkbobot (@direkbobot)

 

"Welcome back JLC..." caption ni direk Bobot sa isang photo.--FRJ, GMA News