Magsisimulang muli si Jennica Garcia kasama ang kaniyang mga anak sa kanilang bagong tirahan.
Sa isang Instagram kamakailan, ibinahagi ng aktres na lilipat na sila ng tirahan at ibebenta ang ilang kasangkapan.
“Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh ika nga,” saad ni Jennica kasama ng detalye sa gagawing live selling session.
“Sana sold out po ulit tayo, ha? See you!” dagdag niya.
Nagkaroon ng mga hinala na naghiwalay na sina Jennica at mister niyang si Alwyn Uytingco matapos na mapansin ng kaniyang mga follower na hindi na kasama ang aktor sa kaniyang mga post.
Nagpahayag din noon si Jennica ng plano niyang palitan ang kaniyang pangalan sa Instagram na may apelyido nni Alwyn.
Sa kaniyang Facebook account, ang maiden name ang gamit ni Jennica.
Nitong nakaraang buwan, inihayag ni Jennica sa isang post para sa kaniyang anak na mayroon siyang pinagdadaan.
Nagbigay din noon ng payo ang aktres sa ibang mag-asawa na wala silang magagawa kung magbabago ng damdamin ang kanilang kabiyak.
Ikinasal si Jennica at Alwyn noong 2014, at may dalawa silang anak.
Si Jennica ay anak ng batikang aktres na si Jean Garcia.--FRJ, GMA News