Habang pinagsasabay ang pageant at showbiz commitments, inilahad ni Kelley Day na nag-aaral siya ngayon ng biology na dati na niyang pangarap.
Sa "Mars Pa More," ikinuwento ni Kelley na dati na niyang plano na mag-aral ng biology mula nang dumating siya sa Pilipinas limang taon ang nakararaan.
"When the pandemic came, I thought, it's the perfect time that I can really focus on my studies so I started," sabi niya.
Tatlong taong undergraduate course ang kinuha ni Kelley sa biology.
"I've done about six months now, so mga two and a half years pa. It's an undergraduate degree," saad ni Miss Eco International Philippines 2019.
Nang tanungin kung anong gagawin sa kaniyang kurso, paliwanag ni Kelly, "I like biology because it's very open, you can go to anything, like forensics or medicine, or ecology, environmental stuff. For me I chose a subject that was quite broad kasi I'm very interested in quite a range of things."
"So I was thinking na along the way of the course, you can actually adjust your degree and you can end the course with a specific degree if you want," dagdag ni Kelley.
Binabalanse raw ngayon ni Kelley ang kaniyang pag-aaral at trabaho dito sa Pilipinas.
Dahil dito, natanong siya kung ano ang kaniyang matapos mag-graduate sa kaniyang kurso.
"I'm just taking it easy, I'm not trying to think too far ahead. Pero maybe I would like to work in forensics," saad niya.
Nakatakdang lumipad si Kelley ngayong taon sa Egypt para sa Miss Eco International.
Matatandaang naging emosyonal si Kelley nang ihayag niya sa kaniyang Miss World Philippines introduction video entry na may sakit siyang alopecia, pero gagawin niya itong adbokasiya para patatagin ang mga nakararanas ng kondisyon.--FRJ, GMA News