Engaged na si Ara Mina sa kaniyang boyfriend na si Dave Almarinez, President and CEO ng Philippine International Trading Corporation.

“Today I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life," sabi ni Ara sa Instagram, na na-engage nitong Martes, Enero 12.

"Dave, thank you for being my answered prayer?" dagdag ng aktres.

 

Kasabay nito, pinasalamatan ni Ara ang kaniya na ngayong fiancé sa hindi pagsuko sa kaniya at sa kanilang relasyon.

"Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love," saad niya.

"Yes, I will marry you!” ?" sagot ni Ara sa proposal ni Dave.

Ibinahagi rin ng Nice Print Photography ang romantic na proposal ni Dave kay Ara na ginawa sa city hall ng San Pedro, Laguna, kung saan bukod sa mga bulaklak, matatanaw din sa magandang view ang mga katagang "Will You Marry Me?"

 

May anak si Ara sa dating nobyong si Bulakan, Bulacan, Vice Mayor Patrick Meneses, na si Amanda Gabrielle. —LBG, GMA News