Malungkot na ibinahagi ng mang-aawit na si Ray An Fuentes ang pagpanaw ng kaniyang maybahay na si Mei-Ling dahil sa COVID-19 nitong Linggo, December 27.
"My Sweetie has gone home! For good," saad ni Ray An sa kaniyang Facebook post nitong Lunes.
"We finally just had to release her to the Lord because the other possible reality is brain damage. We didn’t want her to suffer anymore. I am sooo heartbroken. This is sooo painful," sabi pa ng mang-aawit na nagpasakit ng kantang "Umagang Kay Ganda."
MY SWEETIE HAS GONE HOME! FOR GOOD. At 4:15pm. April 8, 1952 - December 27, 2020. We finally just had to release...
Posted by Ray An Fuentes on Sunday, December 27, 2020
Noong Nobyembre, nakumpirma na dinapuan ng COVID-19 ang mag-asawa, pati na ang kanilang mga anak na pawang gumaling naman sa virus.
Mula noong, nagpo-post na si Ray An ng update sa kalagayan ng kaniyang misis kasabay ng paghingi ng panalangin para sa paggaling ng kaniyang maybahay.
Sa isang hiwalay na post, sinabi ni Ray An na nakatanggap sila ng hindi magandang balita mula sa ospital noong bisperas ng Pasko nang bumaba umano oxygen intake ng kaniyang asawa.
Nanirahan ang pamilya ni Ray An sa Canada noong 1990s.--FRJ, GMA News