Inilabas na ang listahan ng mga nominado sa Metro Manila Film Festival ngayong taon isang araw bago ang pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa araw ng Pasko.
Inihayag nina MMFF spokesperson Noel Ferrer at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga nominado sa Facebook livestream ngayong Huwebes.
Nangunguna sa listahan ang “The Boy Foretold By The Stars,” “The Missing,” at “Magikland” na may tig-12 nominasyon.
Kabilang sa 19 na awards na paglalabanan ay ang best picture, best director, best lead at supporting actors, at best screenplay.
Makikita ang buong listahan ng mga nominado sa official Facebook page ng MMFF.
Congratulations to the 2020 Metro Manila Film Festival Nominees! #MMFFonUPSTREAM
Posted by Metro Manila Film Festival (MMFF) Official on Thursday, December 24, 2020
Dahil sa COVID-19 pandemic, ang mga pelikulang kalahok sa MMFF ay mapapanood via Upstream.ph website simula sa December 25. – FRJ, GMA News