Sa kanilang unang Pasko bilang mag-asawa, dama pa rin ni Juancho Trivino ang kasiyahan nang pakasalan niya si Joyce Pring nitong nakaraang Pebrero.
Sa isang post, nagpayo si Juancho sa mga lalaking nag-aalinlangan na pasukin ang "next level" ng pakikipagrelasyon.
"Man I tell you, her hand in marriage is the best gift ever," saad ng aktor sa kaniyang post ng larawan nila ni Joyce nang ikasal.
"Don’t be afraid to take the next level guys, it is a challenge but for me one of the best things in life - to be able to start a family together and to create a life together," patuloy ni Juancho na bumati rin ng Merry Christmas sa lahat.
Kamakailan lang, nagbahagi rin ng mensahe si Joyce ng pasasalamat sa kaniyang asawa dahil nalampasan nila ang pagsubok na hatid ng COVID-19 pandemic.
Katunayan, nakalipat na sila sa bago nilang bahay nitong nakaraang buwan.
Nagsimula ang pagmamahalan nina Joyce at Juancho sa programang "Unang Hirit," at ikinasal sila nitong nakaraang Pebrero bago ipatupad ang lockdown dahil sa pandemic.— FRJ, GMA New