Inihayag ni Arra San Agustin na isa siyang ambidextrous, o pareho ang kakayahan ng kanan at kaliwang kamay sa pagsusulat at paggawa ng ilang mga bagay nang walang kahirap hirap.
"I am an ambidextrous, which means I am able to use both my right and my left hand for writing," sabi ni Arra sa "In the Limelight" ng GMA Artist Center.
"And then kapag kumakain ako, kapag nagkakamay ako, laging left 'yung gamit ko. Pero kapag naka-utensils naman ako, 'yung kutsara ko nasa right and 'yung fork ko nasa left. So magkaiba siya," dagdag ni Arra.
Sa programang "AHA!" sinabing isang porsyento lamang ng populasyon ang mga ambidextrous na tao.
"Ipinakita rin sa mga pag-aaral na wala pa talagang reason na nahahanap bakit ang isang tao ay nagiging ambidextrous," pahayag ng psychologist at behavior therapist na si Raul Gana.
Dagdag ni Gana na kung minsan, nagiging ambidextrous ang isang tao dahil sa pagpapalaki ng magulang.
"Minsan kasi pinipilit ng magulang, minsan lefthanded 'yung isang bata, nagagalit 'yung nanay dahil para sa kaniya ang kailangan na gamitin niya ay 'yung right hand niya," sabi ni Gana.
Samantala, inilahad ni Arra na bago niyang pinagkakaabalahan ngayon ang baking.
Gusto kong i-practice para in the future may be I could also make a business of my own, because that is also one of my dreams," sabi ng Kapuso actress. —LBG, GMA News