Sinagot ni Derek Ramsay ang ilang tanong ng netizens tungkol sa naging break-up nila ni Andrea Torres. Pahayag ng aktor sa kaniyang dating kasintahan "she deserves better."

Sa ulat ng PEP.ph, nagbigay ng puna ang isang netizen kay Derek na sinabing tila hindi siya nagtatagal sa isang relasyon.

"Gandang katawan pero walang nagtatagal," komento ng netizen sa topless photo ni Derek kung saan nag-flex ang aktor ng maskulado nitong katawan.

"I'll find the right one dear," tugon ni Derek, na sinundan naman ng tanong ng isa pang netizen: "So meaning Andrea is not the right one?"

"No, she deserves better," tugon naman ng aktor.

Parehong kinumpirma nina Andrea at Derek na hiwalay na sila nitong Nobyembre.

Hindi na idinetalye pa ni Andrea ang paghihiwalay nila ni Derek.

"I'd rather keep the details private as I want to give the break up the same amount of respect that I had for the relationship," saad ng Kapuso actress.

Nilinaw ni Derek na walang kasalanan si Andrea sa kanilang hiwalayan at walang third party na sangkot.--Jamil Santos/FRJ, GMA News