Ipinanganak na ni Charee Pineda ang kaniyang baby boy na si Martell Francesco Soledad na itinuturing niyang isang “early Christmas present.”
“My answered prayer. My baby Martell Francesco Soledad!” caption ni Charee sa kaniyang Instagram post.
Ipinagpasalamat ni Charee sa Diyos ang biyayang baby boy na kaniyang natanggap.
“So many blessings to be thankful for. First, Thank you Lord for our super early Christmas present! Thank you for keeping us safe.”
Bukod dito, pinasalamatan din ni Charee ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan sa suporta at mga dasal, pati na rin ang mga doktor at nurse na naga-asikaso sa kaniyang pagbubuntis.
Pinasalamatan din ng aktres ang kaniyang asawang si Martell Soledad.
“And lastly thank you to my husband who’s been my rock from the start. Cheers to new journey with you my love and our little Cesco!”
Samantala, nagpasalamat din si Martell na “safe” na isinilang si Baby Martell Francesco kahit na 34 linggo pa lang ito.
“Hi my loves. Thank you lord safe si charee and si baby martell francesco kht 34 weeks pa lng sya. Yung mommy kasi panay kausap kay baby na before christmas magkita na daw sila. Lumabas tuloy agad. Hehe thank you po sa lahat ng nagdasal for charee and baby.”
Ayon kay Martell, isinilang si Baby Cesco nitong Sabado, Nobyembre 28.
Ikinasal sina Charee at Martell Pebrero nitong taon. – Jamil Santos/RC, GMA News