Bukod sa sinehan, may ibang paraan para mapanood ang inaabangang "Wonder Woman 1984" ni Gal Gadot.

Ayon sa Hollywood actress, bukod sa sinehan ay puwede ring mapanood sa HBO Max ang pelikula.

"You can watch it IN THEATERS (they’re doing an amazing job keeping it safe) and you can also watch it on HBOMAX from your homes," saad ng aktres sa Facebook post.

"I can’t tell you how excited I am for all of you to see this movie. It wasn’t an easy decision and we never thought we’d have to hold onto the release for such a long time but COVID rocked all of our worlds," sabi ni Gal.

Ayon sa official Twitter page ng pelikula, mapapanood sa pamamagitan ng streaming ang "Wonder Woman 1984" sa US sa December 25 "at no extra cost."

 

 

 

Umaasa si Gal na maghahatid ng saya at pag-asa ang pelikula.

"We hope that it’ll bring some joy, hope and love to your hearts. Wonder Woman 1984 is a special one for me and I can only hope it’ll be as special to you too. We’ve put our hearts and souls into it," saad niya.

Ilang beses ding naiurong ang pagpapalabas ng pelikula dahil sa coronavirus [COVID-19] pandemic.

"Wonder Woman 1984" ay karugtong ng matagumpay na "Wonder Woman" movie noong 2017 na pinagbidahan din nina Gal at Chris Pine. —FRJ, GMA News