Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Jake Zyrus ang kaniyang buhay bilang isang international singer, na nagdulot sa kaniya ng depresyon. Kasabay nito, sinabi niya ring ang top surgery ang pinakamahirap na parte ng kaniyang pag-transition sa pagiging isang transgender man.
Masaya at glamoroso man, sinabi ni Jake na nakaranas din siya ng hirap sa buhay ng isang international celebrity.
"Noong time na po na 'yun talagang mahirap po. It was fun but at the same time I had to take it all in nang mabilisan po. I had to move fast to change myself, I have to fit in," kuwento ni Jake.
"When I was on stage and in front of camera, yes it looked gloriuos. But behind it, one of the biggest reasons, I'm sure why my anxiety, my depression raised," niya.
Sa kabila ng kaniyang kasikatan, unti-unti namang nagpakatotoo si Jake sa kaniyang sarili at inihayag noong 2017 na isa siyang transgender man.
"Actually bata pa lang po ako, I think I was five. Naalala ako na tinutukso ako ng mga kaklase ko dito sa isang boy. But the only question that came in my mind was, 'Bakit nila ako tinutukso doon eh pareho kami?'"
Boses daw ni Jake ang pinaka-unang nagbago sa kaniyang pag-transition, na sinundan ng pagbabago kaniyang mukha.
"Ang pinakamahirap ko pong na-experience was my top surgery. Naalala ko paggising na paggising ko may mga bandage, groggy pa ako. Pagdilat kong ganiyan, tumingin ako, it was flat. 'Oh my God flat na siya!' Ito talaga 'yung unang una kong sinabi," kuwento ni Jake.
"I remember my friends pumasok sila sa room and they sang Happy Birthday to me. It was a really special moment pero at the same time 'yun po talaga ang mahirap," dagdag pa niya.
Panoorin ang buong panayam kay Jake sa video.
—LBG, GMA News