Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Jake Zyrus kung paano siya nagsimula sa pagkanta at hinasa ang kaniyang talento, hanggang sa matamasa ang tagumpay at naging isang international singer.
Inilahad din ni Jake kung paano niya hinarap ang kaniyang mga pagsubok muna nang mag-"out" siya bilang isang transgender.
Mula sa pagiging kontesera sa Pilipinas, hindi inakala ni Jake, dating si Charice Pempengco, na makikilala rin siya sa abroad hanggang sa maging isang international singer siya at makapag-release ng mga kanta sa iba't ibang bansa.
Nag-guest din si Jake sa mga show nina Oprah Winfrey at Ellen DeGeneres, kung saan inihayag nila ang paghanga sa mang-aawit.
Pero nabahiran ng kontrobersiya ang kaniyang kasikatan nang aminin niya na isa siyang transgender.
Sa kaniyang librong "I Am Jake" na naging best-selling, ibinahagi ng mang-aawit ang kaniyang buhay, at nagkaroon pa ito ng Japanese version matapos siyang gumawa ng documentary.
Tunghayan sa video na ito ang panayam kay Jake sa "Tunay Na Buhay" kung ibinahagi niya ang mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. --FRJ, GMA News