Pumanaw na ang binansagang "Queen of the Golden Age of Philippine Cinema" na si Mila del Sol sa edad na 97.
Namaalam si Mila, o Clarita Villarba Rivera sa totoong buhay, Martes ng umaga, Nobyembre 10 sa tahanan ng panganay niyang anak na si Sonny, pagkumpirma ng apo niyang si dating Parañaque Rep. Gustavo Tambunting.
"Though we mourn her passing, we are comforted in knowing that the one who called her from this life, our Lord, loves her more than we could ever love her. She has returned home," saad ng pahayag ng pamilya ni del Sol.
Statement of Former Parañaque Rep. Gus Tambunting (through Parañaque Rep. Joy Tambunting - 2nd District, Parañaque City)...
Posted by Congressman Gus S. Tambunting on Monday, November 9, 2020
Bumida si del Sol sa mahigit 40 feature films.
Biniyayaan siya ng anim na anak, 17 apo, at higit pang 30 apo sa tuhod at apo sa talampakan.
"Nakita niya ang limang henerasyon ng kanyang pamilya - ang kanyang henerasyon, ang kanyang mga anak, ang kanyang mga apo, ang kanyang mga apo sa tuhod, at ang kanyang mga apo sa talampakan. She was blessed to live a long life, a life well lived, and a life full of love. She lived a blessed and charmed life," sabi ni Tambunting.
"All of us will forever be indebted to Lulay. Our family will surely miss Lulay’s love and affection. Throughout her life, she continued to impart wisdom and spread her zest for life to those closest to her, because she was truly an image of beauty both inside and out, both on and off screen," dagdag ni Tambunting. -NB, GMA News