Nakapagtapos na si Carol Banawa ng bachelor's degree sa nursing bago pa siya mag-40-anyos.
Sa kaniyang Instagram, nag-post si Carol ng banner ng kaniyang sarili kung saan nakasuot siya ng toga at inanunsyong graduate na siya ng Grand Canyon University.
"Another goal achieved!" caption ni Carol sa kaniyang post.
Thank you mahal, for working so hard for us which allowed me to pursue my studies..thank you for always pushing me, supporting me and believing in me (heart emoji)" pagpapatuloy ni Carol.
"Thank you to my children for always being patient with Mama, for understanding the times that I have to stay in front of the computer to finish my posts, papers and projects..I love you all so much (heart emoji)" dagdag pa niya.
Pinasalamatan din ni Carol ang kaniyang pamilya, kamag-anak at kaibigan sa suporta nito sa kaniyang pag-aaral.
"To my Papa, Mama, Kuya and Ate, I finally did it! This is for you guys (heart emoji) Thank you for always believing in me..I hope you are all proud of me. I love you all so much(heart emoji)."
"To my relatives and friends who have always supported me, cheered for me, and celebrated with me...thank you, I miss you all and I love you all!" dagdag niya.
Para sa kaniya, hindi hadlang ang edad para tuparin ng isang tao ang kaniyang mga pangarap.
"Bachelor's degree before 40. You are never too old to reach for your dreams! Dream it. Believe it. Do it. Conquer it. To GOD be the GLORY!!!(heart emoji)" saad ni Carol.
Kilalang singer si Carol sa Pilipinas bago siya lumipat sa Amerika noong 2003, kung saan na siya nakabase kasama ang asawang si Ryan Crisostomo at dalawa nilang anak.
Kilala si Carol sa mga kantang "Tanging Yaman," "Bakit Di Totohanin," at "Iingatan Ka."
Nagtapos si Carol bilang summa cum laude sa associates degree niya sa nursing noong May 2018.
Nitong Abril, inilahad ni Carol na frontliner nurse siya sa US sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nito namang huling buwan, inanunsyo ng singer na buntis na siya sa ikatlo nilang anak.--FRJ, GMA News