Hindi raw pinagsisisihan ng aktor ng dating aktor na si Carlo Muñoz ang pag-alis niya sa showbiz sa kabila ng naging magandang career niya noon.
Sa gitna ng kasikatan, nagtungo si Carlo at ang kapatid at kapwa niya aktor na si Leandro Muñoz sa Amerika noong 2003 matapos pumanaw ang kanilang ama.
Pagkapunta roon, sinubukan din niyang pumasok sa showbiz industry sa Amerika.
"No. Kasi nu'ng umalis ako I was hoping to do something similar. Kasi nag-attend din ako ng classes dito sa Hollywood. I tried it, but then I realized it will take a lot," kuwento ni Carlo sa "Just In" ni Paolo Contis.
Ikinuwento ni Carlo na kabilang siya noon sa talent arm ng ibang estasyon, at nag-audition sa Makati nang dalawang taon bago makuha ang kauna-unahan niyang proyekto.
"And then when we moved here, nu'ng na-meet ko 'yung mga kaklase ko sa acting class, I realized, man, half of my classmates, they were living in their cars. Kasi 'yun ang uso dito sa States. If you want to become an actor, you come to Hollywood, most of the people here are from other states, pumupunta sila dito thinking they're gonna be successful, but it's a long road to success," sabi ni Carlo.
"Meaning auditions for years and years and years until you finally get your break," dagdag pa ng aktor.
"So when I realized I had to do my grind again, dalawa na 'yung babies ko, I don't think I can do that, I can't live in my car," kuwento niya.
Nakabilang pa si Carlo sa isang travelling musical na produced ng Pinay film actress na si Fe de los Reyes, bago siya magbago ng career.
Ngayon, isa na raw administrator ng isang nursing home si Carlo. --FRJ, GMA News