Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay na dala ng COVID-19 pandemic, inihayag ni Alden Richards na mayroon ding mga positibong hatid ang mga pangyayari tulad ng pagkakaroon niya ng oras na makasama ang pamilya.
"Ang ganda rin kasi, the beauty in the [community] quarantine was nagkaroon ako ng time sa sarili ko, nagkaroon ako ng time sa pamilya ko which is nawala for the past five, seven years. I don't know, eight years na yata na lagi akong nasa labas, sobrang workaholic," kuwento ni Alden sa Mornings with GMA Regional TV.
"Mas tiningnan ko kasi 'yung mga magagandang effect and magagandang bagay na nangyayari ngayon as supposed to the negative ones. Kasi kung sa negative sobrang dami, made-depress ka lang," dagdag pa niya.
Dahil sa pandemic, nakabawi si Alden sa mga panahong hindi niya nakakasama ang kaniyang pamilya.
"'Yung magandang effect niya was that na-mend ko 'yung mga, I should say really, pagkukulang ko, especially sa time sa pamilya ko. 'Yun 'yung nabawi ko at this time," saad ni Asia's Multimedia Star.
Hindi naman itinanggi ni Alden na nakaranas siya ng anxiety ngayong may pandemya.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/chikamuna/752724/alden-sa-mga-may-pinagdadaanan-ngayon-huwag-niyo-pong-tatanggalin-yung-ugali-ng-pagdarasal/story/
"Hirap! Andiyan 'yung depression, andiyan 'yung anxiety, andiyan 'yung 'Paano bukas? Paano kung tumagal ito?' Sobrang naapektuhan ang buong ekonomiya ng pagkatao ko dito," pag-amin niya.
"But at the end of the day ang kalaban mo lang talaga dito, aside from COVID, is yourself. Kung paano mo titingnan 'yung sitwasyon, kung paano mo siya malalabanan, kung paano ka babangon everyday at sasabihin mong 'Makakaya ko ito,'" anang aktor.
"Siguro ang tumulong talaga sa akin is really faith ko sa Diyos. So I'm looking forward to that day when this experience will all be a distant memory and masasabi ko na nakaya ko 'yung pandemic," dagdag ni Alden.--FRJ, GMA News