Ipinagluluksa ni Ogie Alcasid ang pagpanaw ng kaniyang amang si Herminio Alcasid Sr.

Ito ang inanunsyo ni Ogie sa kaniyang Instagram nitong Martes, ngunit hindi na siya nagdetalye pa tungkol sa sanhi ng pagpanaw ng kaniyang tatay.

"I will miss you so much Dad. My heart grieves knowing you are gone but i am at peace because you are in the loving arms of our Father in heaven. I love you so much Daddy. ??????" mensahe ng singer-songwriter at actor.

Dating board member ng PNOC Development and Management Corp ang ama ni Ogie.

Kasabay nito, nagparating din ng pakikiramay ang ilang Kapuso celebrities kay Ogie.

“Condolences ninong... ?”, mensahe ni Marian Rivera.

“Ang aming taos-pusong pakikiramay sa family ninyo, @ogiealcasid ?” sabi ni Manilyn Reynes.

“Our deepest sympathy and sincere prayers to you and your family?,” pakikidalamhati ni  Ruby Rodriguez.

“My condolences.....” sabi ni Allan K.

“I’m so sorry for your loss, Kuya Ogie....” sabi ni Carla Abellana.

“My deepest condolences, kuya Ogie?” ayon kay Ina Feleo. —Jamil Santos/KG, GMA News