Kasabay ng kanilang pag-relaunch ngayong quarantine, inilahad nina Paolo Contis at Boy 2 Quizon ang ibig sabihin ng "P.A.R.D." at kung paano nabuo ang kanilang grupo.
Taong 2015 pa raw nabuo ang PARD na kinabibilangan ng "Bubble Gang" boys na sina Paolo, Boy 2, Antonio Aquitania, Roadfill Obeso, RJ Padilla at Sef Cadayona.
"Kaya PARD, 'yung una Padilla, Antonio, Roadfill, Dos. Ito 'yung time na ginagawa ang 'Kwek Kwek' at saka 'yung 'Hug,'" paliwanag ni Boy 2, hanggang sa nadagdag kalaunan sina Paolo at Sef.
"PARD is isang samahan basically... Dati ang goal ng PARD is to make music, na sinuportahan naman kami ng Bubble Gang, doon na-launch ang music," ani Paolo.
Goal daw ng PARD ngayon na makagawa ng mga comedic content para sa mga tao habang quarantine.
"Pero ang PARD is an independent group, yes Bubble boys kami pero ang PARD, kami ang nagpo-produce niyan. Whatever we do, whatever we say eh kami 'yan. Kung gagawa kayo ng hashtag, Boys of PARD ang gawin niyo, huwag Boys of Bubble Gang," biro ni Paolo.
Ilan sa kanilang video na umabot ng milyong views ang "Huli Ka Balbon," kung saan na-launch si Kim Domingo.
--FRJ, GMA News