Sa isang panayam ng PEP.ph via Zoom kamakailan, natanong ang Kapuso hunk na si Derek Ramsay tungkol sa lumabas na bali-balitang buntis na ang kaniyang nobya at kapwa-Kapuso na si Andrea Torres.
Sa ulat ni Melba R. Llanera sa PEP.ph, sinabi ni Derek na tinawanan lang nila ni Andrea ang naturang tsismis.
“Natawa nga kami sa tsismis na buntis siya about two, three weeks ago,” sabi ni Derek sa Zoom interview noong July 27.
“Wala, natawa lang kami na everyone thought she might be pregnant.
“Hindi ko nga alam kung saan galing yung news na ‘yan. Natawa lang kami.
“It's not naman harming any of us, but it's not true."
Nang kumustahin naman ang kanilang relasyon, sinabi ni Derek na; "Andrea and I are doing very, very well. Tumutulong nga siya sa pagmu-move ng bahay.
“Nakakatuwa nga, yeah, we're very, very happy. I'm very, very happy.”
Sinabi rin ng aktor na napag-uusapan na nila ni Andrea ang pagpapakasal.
“I really feel this relationship is so different from all the others. I don't know why.
“I don't like saying that… I don't like comparing, but this one is so different.
“I'm praying na sana mapunta na ito sa kasalan."
Patuloy niya, "Siguro in next two years, it has to happen."-- For the full story, visit PEP.ph