Sa kaniyang latest vlog, ipinasilip ni Gabbi Garcia sa fans ang kaniyang walk in closet na bunga ng kaniyang mga pinaghirapan.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" sinabing childhood dream na talaga ito ni Gabbi.

Kaya nang matupad na, ito ngayon ang kaniyang paborito at itinuturing na personal space sa bahay.

"Every detail, every piece na ilalagay doon, lahat dumadaan sa akin," kuwento ni Gabbi.

Makikita sa kaniyang closet ang mga kulay na white and gold na may touch of pink. Meron din itong mini-lounge at bar station para sa kaniyang mga bisita.

Nasa closet niya rin ang Alena doll na regalo sa kaniya ng kaniyang mga magulang noong nag-debut siya.

Ayon kay Gabbi, pinakapaborito niyang spot ang closet ng kaniyang shoes at bags.

Ipinasilip din ni "Millenial It Girl" ang mga paborito niyang pairs at pieces na very memorable at meaningful para sa kaniya.

"Priced possessions ko siya na alam kong hard work ko ang lahat na ito," saad ni Gabbi.

Paglilinaw naman ni Gabbi, hindi lahat ng makikita sa kaniyang walk in closet ay mamahalin. Naroon din ang mga cheap at good finds na namana ni Gabbi sa kaniyang mommy.

"Hindi kailangan lahat ng bagay mahal. It's just how you style it, how you put it all together."

May halos one million views na ang vlog ni Gabbi mula nang i-post niya ito sa YouTube nitong weekend.

Sa susunod na vlog naman ni Gabbi, ipakikita niya raw ang kaniyang mini-office, mini-desk, kung paano niya ito sinetup at idinisensyo lalo't marami ang nasa work from home set-up. —LBG, GMA News