Nasa 100 katao, kabilang ang aktor at TV host na si KC Montero, sa mga inaresto sa isang restobar sa Makati nitong Linggo ng gabi dahil sa paglabag umano sa patakaran ng social distancing.
Sa ulat ni GMA News reporter Jonathan Andal, sinabi ng Makati City police, na kabilang si Montero sa mga hindi sumunod sa patakaran ng social distancing habang umiiral ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila para wakasan ang pagkalat ng COVID-19.
Itinanggi naman ni Montero ang naturang alegasyon.
"I think para sa mga tao na papunta diyan, I think what they thought was it was open. So you’re allowed to go. And on top of that everybody was practicing social distancing. The tables were wide apart, were far apart," paliwanag niya sa mga mamamahayag.
WATCH: KC Montero, iginiit na sumusunod sila sa social distancing nang mahuli ng mga pulis sa isang bar and resto sa Makati @gmanews pic.twitter.com/PdwO5SmrbQ
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) June 28, 2020
Kabilang sa mga dinakip ang may-ari at mga kawani ng establisimyento.
Nilinaw din ng may-ari ng restobat na walang party na nagaganap sa kaniyang lugar.
Sa ilalim ng patakaran ng pamahalaan, pinapayagan lang na mag-operate sa GCQ ang mga restaurant at kainan sa limitadong kapasidad at mahigpit na ipatutupad ang health and safety protocols.—FRJ, GMA News