Mas malinaw at mas makulay nang mapapanood sa telebisyon ang mga GMA show at maging ang mga programa ng ibang network sa mas murang Digital Terrestrial Television (DTT) receiver na “GMA Affordabox.”
Itinaon ang paglulunsad ng "GMA Affordabox” sa ika-70 taong anibersayo ng Kapuso Network.
“In celebration of this milestone of reaching seven colorful decades in the industry, we are more than grateful for the Filipinos’ continued trust in GMA Network as we reaffirm our commitment to deliver excellence in news and entertainment. Kaya naman, kasabay ng ika-70 anibersaryo ng inyong Kapuso Network, buong puso naming inihahandog sa inyo ang high-quality at abot-kayang digital TV receiver na Para Sa Pilipino—ang GMA Affordabox,”ayon kay GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.
Ang GMA Affordabox ay madaling maikakabit sa analog TV para masagap ang digital television broadcast at malinaw nang mapapanood ang mga programa ng GMA, GMA News TV, at ang inaabangang Heart of Asia channel.
Mapapanood din ang iba pang free-to-air digital TV channels sa lugar.
“GMA Affordabox stays true to its name as we make it available in the market at an affordable price, without compromising quality. GMA Network has teamed up with the best product developers and engineers to give you a device built with additional features and high-quality materials at an accessible price. Now, more Filipino homes can start enjoying digital TV viewing,” sabi naman ni GMA Network President and COO Gilberto R. Duavit, Jr.
Sa GMA Affordabox, maaari ding i-record ang mga paboritong Kapuso programs .
Maaari ding makatanggap ng alerto mula sa NDRRMC kapag may kamalidad sa lugar sa pamamagitan ng Emergency Warning Broadcast System (EWBS).
Mabibili ang GMA Affordabox sa halagang P888 at wala itong monthly fees.--FRJ, GMA News