Dahil ginunita kamakailan ang Independence Day, hindi naiwasan ni Aiko Melendez na magbalik-tanaw sa annulment ng kasal nila ni Jomari Yllana dahil nakuha raw niya sa mismong ang Araw ng Kalayaan.
Sa pamamagitan ng Facebook noong June 12, 2020, sa ika-122 Araw ng Kalayaan ng bansa, binalikan ni Aiko ang araw na matanggap niya ang desisyon ng korte tungkol sa annulment.
Ayon sa 44-year-old Kapuso actress, ang dati niyang manager at personal friend na si Ogie Diaz ang isa sa una niyang sinabihan tungkol sa pagkaka-grant ng korte ng kanyang petition for annulment.
Lahad niya (published as is), “Exactly today alala ko unang tinawagan ko bukod sa pamilya ko nung nakuha ko sulat from QC si mader Ogie Diaz sinabi ko sa knya mader independent na ako sa independence day.
“Sabi nya gaga anong independent .
“Sabi ko single na ako! Annuled na po ako!
“Sabay kami nag iyakan sa telepono!”
Dagdag pa ni Aiko, “mixed emotions” ang kanyang naramdaman sa nasabing desisyon.
Saad niya, “Opo! Independence day when i got my annulment from Jomari.
“It was mixed emotions but more of a relief.
“I was happy that i was vindicated and I am finally free from all the heartaches, all the hardships.”
Dalawang beses ikinasal sina Aiko at Jomari.
Una ay sa isang civil ceremony sa Bulacan noong December 16, 1998.
Makalipas ang dalawang taon, ikinasal naman sila sa simbahan ng Archbishop's Palace, sa Mandaluyong City, noong July 23, 2000.
Pagkatapos ng isang taon, naghiwalay ang dalawa.
Taong 2002, nag-file ng petition for annulment of marriage ang aktres.
May isa silang anak—si Andre Yllana, 21.
Ayon kay Aiko, may pinagdaanan man daw siyang hindi kaaya-aya sa pagsasama nila ng ex-husband, ipinagpapasalamat pa rin ng aktres na nakabuo sila ng anak na mabait at masunurin.
Saad ng Prima Donnas actress, “But i still would want to thank him despite all those, after 21 yrs kasi he gave me a wonderful son which i named after, Daddy Andy who i miss so much.
“He was so nice to me. And i must i was his favorite.
“Thank you! Sa 21 yrs na malaya ako.”
Diin pa ni Aiko, kahit hindi naging maaayos ang pagbibigay ni Jomari ng suporta sa kanilang anak, hindi niya ito ininda dahil hindi siya binigyan ng sakit ng ulo ng kanyang panganay.
Mensahe pa niya kay Jomari, o Jose Maria Garchitorena Yllana sa totoong buhay:
“Kht sa 21 yrs na un di tayo nag uusap Jose salamat kasi di mapapantayan ng ano mang sustento ang regalo na di mo man nabigay lagi ke Andre.
"Na bibihira ako bigyan ng sakit ng ulo. Napaka buti ng anak ko.
"No tantamount of money can compare to that. So thank you.
"And thank you also You made me soar high after that annulment!
"Happy Independence Day to all"--For more showbiz news, visit PEP.ph