Inihayag ni Janine Gutierrez postponed muna ang shooting ng dalawa niyang pelikula ngayong summer dulot ng banta ng COVID-19.

"I was supposed to shoot also two movies this summer na as of now, postponed. I don't know pa kung kailan mare-reschedule, a lot of us don't know yet," kuwento ni Janine sa Kapuso Showbiz News.

"Cases are still rising 'di ba? So mahirap talagang mag-shoot eh, we don't know yet kung anong magiging precautions ng network or nu'ng mga production companies, and it's also harder for the people na, kasi 'yung set, talagang ang daming tao doon, hundreds of people, so it's really hard to say, so, I don't know," dagdag niya.

READ: Porn industry, puwedeng maging modelo ng film industry sa 'new normal' ng paggawa ng pelikula?

 

Hindi naman nagbigay si Janine ng detalye tungkol sa dalawa niyang pelikula.

Bukod dito, kanselado rin ang opening day ng pelikula nila ni Paulo Avelino na "Ngayon Kaya" noong Abril 11, na kasama sa 2020 Metro Manila Summer Film Festival.

Hindi na rin natuloy ang dalawa niyang trip sa Japan, isa na rito ang isang film festival na kasama ang pelikula niyang "Babae at Baril."

Sumasailalim man sa home quarantine tulad ng halos lahat ng tao, masaya naman si Janine na isang tawag lang ang kaniyang Mommy Lotlot de Leon kapag kailangan niya ng kausap.--Jamil Santos/FRJ, GMA News