Nagbigay ng payo si Joyce Ching sa mga mag-partner o mag-asawa ngayong extended ang enhanced community quarantine para maiwasan ang away habang laging magkasama sa kanilang mga bahay.
"Ang advice ko sa couples, be patient with each other. Sa mga couples diyan, alalahanin niyo lang na hindi kayo 'yung magkaaway. Umiwas kayo sa stress about things, about the situation. Lagi niyo lang i-remind sa sarili niyo na hindi niyo kaaway 'yung husband niyo or hindi 'yung wife mo 'yung kaaway mo," sabi ni Joyce sa Kapuso Showbiz News.
"Magkakampi kayo and you have to go through this pandemic, this crisis together, to fight together, hindi kayo 'yung magkaaway," paalala pa niya.
Sa kanilang simpleng paraan, gumawa sina Joyce at ang asawa niyang si Kevin Alimon ng mga prayer video para makapagbigay ng mga positibong mensahe sa netizens.
"Kailangan din ng tao makakita ng content online na mag-e-encourage sa kanila, most especially 'yun 'yung kailangan natin sa season ngayon... meron man lang source ng hope, merong source ng positivity," sabi ni Joyce.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News