Pinapahanap ni Willie Revillame ang lalaking nakasuot ng jacket ng "Wowowin" habang ilang kilometrong itinutulak ang kaniyang asawang naka-wheelchair para ipa-dialysis sa Quezon City.

 

(Screengrab sa 'Wowowin-Tutok To Win)'

Ayon kay Kuya Wil, ipinadala lang sa kanila ang video at hindi niya napigilan na maawa sa mag-asawa dahil ilang kilometro ang kailangan nilang lakarin papunta sa dialysis center dahil walang masakyan bunga ng umiiral na enhanced community quarantine.

"Ganyan po ang pinagdadaanan ng mga kababayan natin sa ngayon. Kung sino ka man, hahanapin ka namin para kahit papaano may ibibigay kami sa 'yo," saad ni Kuya Wil.

 

(Screengrab sa 'Wowowin-Tutok To Win)'

Dahil sa ECQ, bawal bumiyahe ang mga pampublikong sasakyan kaya hirap ang ilan na kailangang magtungo sa ospital para magpagamot o magpa-dialysis.

'Huwag kang mag-alala, nandito kami para tulungan ka," sabi pa ni Kuya Wil na handang makausap ang lalaki kahit sa telepono lang para makilala at maipadala ang ibibigay na tulong.

--FRJ, GMA News