Nagsimula bilang mag-on screen partners, nauwi sa totohanan ang pag-iibigan ng ilang showbiz couples. Gayunman, hindi lahat ay humantong sa happy ending dahil nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Mula sa tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, Dawn Zulueta at Richard Gomez, Dingdong Dantes at Antoinette Taus, hanggang sa pag-iibigan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado, at Janine Gutierrez at Elmo Magalona, magbalik-tanaw sa mga showbiz couples na hindi nagkatuluyan.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News