Wala pa ring kupas sina Dingdong Dantes at Arthur Solinap sa paghataw sa dance floor nang mag-perform sila sa isang dance concert para sa mga batang '90s.
Mistulang throwback ang concert kung saan nagsama-sama ang artists at dance troupe na sumikat noong Dekada 90, ayon sa GMA News TV "Balitanghali Weekend" nitong Sabado.
Muling ipinakita ni Dingdong, dating miyembro ng Universal Motion Dancers (UMD), ang galing niya sa paghataw sa 90s dance moves.
Hindi naman nagpahuli ang Kapuso actor na si Arthur, na dati ring miyembro ng UMD.
Kasama din sa dance concert ang dating miyembro ng X People, Manoeuvres at Streetboys pati ang "King of Pinoy Rap" na si Andrew E. —Jamil Santos/LBG, GMA News